by Jojo Gabinete posted on May 31, 2018
Read more at https://www.pep.ph/pepalerts/cabinet-files/21937/rep-emmeline-aglipay-villar-nagsalita-tungkol-sa-sakit-niyang-lupus-dr-geraldine-racaza-nagsalita-ri#MopbqAzxopeBU5H2.99
Napaluha si Diwa Representative Emmeline Aglipay-Villar sa launch ng Lupus, Kayang-Kaya Ko ’To, ang libro na magkakatulong na isinulat nila nina Dr. Angeline Magbitang-Santiago, Dr. Evelyn Osio-Salido, at Dr. Geraldine Zamora-Racaza.
Ginanap ang launching sa Crowne Plaza kahapoRepn, May 30.
(From left) Rep. Emmeline Aglipay Villar, DOH Secretary Francisco Duque III, at Dr. Geraldine Zamora-Racaza
Ang Lupus, Kayang-Kaya Ko ‘To ang pinaikli at Tagalog version ng Living Better with Lupus.
Si Villar ang founder ng Hope for Lupus Foundation.
Isa sa mga project niya ang libro na libreng ipinamimigay para magkaroon ang lahat ng sapat na kaalaman tungkol sa karamdamang kanyang taglay hanggang sa kasalukuyan.
Naging emosyonal si Rep. Villar nang ikuwento nito ang mga hirap na pinagdaanan dahil sa lupus, na sakit din ng popular singers na sina Selena Gomez, Lady Gaga, Seal, at Toni Braxton.
“Minsan, iniisip ko, parang hindi ko na kaya, pero iniisip ko lang na napakaraming tao na umaasa sa akin kaya kailangan natin na tatagan ang mga loob natin.
“Araw-araw, kailangan natin na kayanin, hindi lang para sa ating sarili kundi para sa mga minamahal natin.
“Marami ang nagsasabi sa akin na mukhang wala akong sakit dahil ang lupus, ang sakit na ’to, yung pamamaga sa loob ng katawan kaya hindi nakikita ang mga nararanasan, ang mga pinagdaraanan namin.
“Oo, mahirap ang sakit natin, pero hindi ibig sabihin na magpapatalo tayo sa Lupus.
“Nung ma-diagnose ako na may lupus, sinabi ng doktor ko na hindi na ako magkakaroon ng anak, sabi niya bawal.
“Kung pipilitin ko raw na magkaanak, ikamamatay ko pa.
“Ngayon, may anak na ako. Maling-mali siya sa sinabi niya na imposibleng magkaroon ako ng anak at ikamamatay ko.”
Patuloy niya, “Kung alam lang niya na nang dahil sa anak kong si Emma, hindi ko yun ikinamatay, ito pa ang nagbigay sa akin ng buhay.
“Si Emma ang nagbibigay lakas sa aking katawan at kalooban.
“Siya ang dahilan kaya nalampasan ko ang lahat ng paghihirap at mga pinagdaraanan ko sa buhay.
“Siyempre, isipin natin ang ating Diyos na walang hangganan ang pagmamahal at pagmamalasakit sa atin.”
Maliban kay Rep. Villar, naging sentro ng atensiyon sa book launch si Dr. Geraldine Zamora-Racaza.
Si Dr. Racaza ang misis ng negosyante na naugnay sa isang celebrity stylist.
Nagpaunlak siyang magpainterbyu sa entertainment press, pero naging maingat sa pagsasalita tungkol sa kontrobersiya na pinagdaanan niya.
Pahayag niya, “I’m okay. My daughter and I are okay.
“Many people are going through difficult times, like what Em said.
“Lahat naman tayo may krus, love, family, financial, so it’s just how we deal with it…
“And prayers, and hold on to your love ones.”
May mensahe rin siya sa mga single mother: “Stay stronger…”